Mga Halamang Gamot S

Lets talk about anything under the sun.

Moderators: tabatot, daughn

Mga Halamang Gamot S

Postby spacemuning » Sun Mar 20, 2011 8:37 pm

Panlunas Para Sa:

Sakit sa Bato o Pantog
Sakit sa Lalamunan
Sakit sa Ngipin
Sakit sa Tainga
Sakit sa Tiyan
Sakit sa Ulo
Singaw
Sipon
Sore Eyes
Sugat
Sugat (dumudugo)


Sakit sa Bato o Pantog
Banaba (dahon)
- Ilaga ang dahon ng banaba, inumin ang sabaw tulad ng tsaa 3 beses maghapon.
Mais (buhok)
- Ilaga ang buhok ng mais, inumin ang sabaw tulad ng tsaa 3 beses maghapon.
Kantutay (ugat)
- Ilaga ang ugat ng kantutay, inumin ang sabaw tulad ng tsaa. Gawin pamalagiang tubig na inumin.

Sakit sa Lalamunan
Luyang Dilaw
Hugasan at balatan ang maliit na piraso ng luya. Nguyain ng ilang minutoat lunukin ang katas.
Bawang (bunga)
Magbalat ng 1 butil. Nguyain ito nang dahan dahan at lunukin ang katas.

Sakit sa Ngipin
Kalachuchi (dagta)
- Ilagay sa butas ng ngipin ang dagta ng kalachuchi upang maalis ang sakit ng ngipin.
Maari din na ilaga ang dahon at gawing pangmumog ang pinaglagaan.
Kataka taka (dahon)
- Dikdikin ang 5 piraso ng dahon. Ipahid sa namamagang bahagi ng mukha 2 beses maghapon.
Herba Buena (dahon)
- Dikdikin ang sariwang dahon at katasin. Basain ng katas ang maliit na bulak.
Ilagay ang bulak sa butas ng ngipin 2 beses maghapon.
Abokado (buto)
- Humiwa ng maliit na piraso na magkakasya sa butas ng ngipin. Ilagay sa butas ng ngipin. Gawin ng 2 beses maghapon.
Dapdap (balat)
- Dikdikin ang balat ng katawan. Ilagay sa butas ng ngipin 2 beses maghapon.
Bawang (bunga)
- Humiwa ng maliit na piraso. Tiyaking kakasya sa butas ng ngipin. Ilagay sa butas ng ngipin. Gawin ng 2 beses maghapon.
Caimito o Star Apple (dagta)
- Tipunin ang malagatas na dagtao katas sa pinutol na sanga. Ipahid sa namamagang bahagi ng mukha 2 beses maghapon.

Sakit sa Tainga
Soro soro (dahon)
- Hugasan at patuyuin at pagkatapos ay dikdikin o tadtarin at isangag sa konting langis ng niyog hanggang malanta. Ahunin at palamigin. Kapag mala-hininga na ipatak sa masakit na tainga.
Nakakapagpagaling ito ng tainga kahit iyong may luga na.
Dita (sanga)
- Tagain ang katawan o sanga ng dita. Kunin ang dagta at ihalo sa langis. Lagyan ng 1 patak ang apektadong tainga 2 beses sa isang araw.
Kandi kandilaan (dahon)
- Magdikdik ng 10 dahon at katasin. Lagyan ng 1 patak ang apektadong tainga 2 beses sa isang araw.
Sakit sa Tiyan
Damong Maria ( dahon at tangkay)
- Ilaga ang dahon at tangkay at inumin na parang tsaa.
Oregano (dahon)
- Ilaga ang dahon at inumin na parang tsaa.
Akasya (dahon o balat)
- Ilaga ang dahon o balat ng puno nito at inumin na parang tsaa.
Mansanilya (dahon)
- Ilaga ang dahon at inumin na parang tsaa.
Santan (bulaklak)
- Ilaga ang bulaklak at inumin na parang tsaa.

Sakit sa Ulo
Damong Maria (dahon)
- Magdikdik ng 3-5 sariwang dahon. Imasahe muna sa noo at sentido bago itapal ditto sa loob ng 30 minuto.
Sambong (dahon)
- Magdikdik ng 5 dahon at isa-isang initin sa apoy. Itapal sa noo habang mainit pa. Palitan kapag lumamig na ng bagong init na dahon hanggang sa maubos ang 5 dahon. Gawin ito ng 2 besesmaghapon.
Mansanilya (dahon)
- Magdikdik ng 5 sariwang dahon. Lagyan ng 2 patak ng langis ng niyog. Painitin sa apoy. Itapal sa noo. Kung ang sakit ng ulo ay sanhi ng sinusitis, tapalan din ang lugar na malapit sa ilong. Gawin ito bago matulog sa gabi sa loob ng 30 minuto.
Kataka-taka (dahon)
- Lamukusin ang dahon. Itapal sa noo sa loob ng 30 minuto.
Mayana (dahon)
- Gamitin ito kung ang sakit ng ulo ay sanhi ng sinusitis. Maginit ng sampung sariwang dahon sa apoy. Itapal ang mga dahon sa noo at sa bahagi ng mukhang malapit sa ilong. Kapag lumamig na, palitan ng bagong init hanggang sa magamit lahat ng 10 dahon. Gawin ito ng 2 beses sa isang araw.

Singaw (sa bibig)
Kalachuchi
- Pakuluan ang dahon at gawing pangmumog.

Sipon
Luya (laman), kalamansi at sampalok (bunga)
- Pakuluan na parang salabat ang 2 piraso ng luya sa 2 basong tubig sa loob ng hinog na sampalok. Isama sa salabat. Idagdag ditto ang katas ng 2-3 kalamansi.
Inumin tuwing ika-4 na oras araw araw hanggang sa gumaling.
Lagundi (dahon)
- Magpakula ng 5-6 dahong tuyo sa 1 basong tubig. Salain. Uminom ng 1 baso 4 na beses maghapon.

Sore Eyes
Calamansi (bunga)
- Biyakin at katasin ang calamansi. Lagyan ng 1 patak ang apektadong mata 2 beses sa isang araw.
Mansanilya (dahon)
- Maglaga ng ilang dahon. Palamigin. Gamiting panghugas sa apektadong mata 2 beses sa isang araw.
Mayana (dahon)
- Patakan ng katas ang apektadong mata, 2 beses sa isang araw.

Sugat
Bayabas (dahon)
- Pakuluan at ipanglanggas o ipanghugas sa sugat habang medyo mainit pa.
Duhat (buto)
- Ilaga at ipanglanggas sa namamagang sugat.
Kalabasa (buto)
- Ilaga at ipanglanggas sa namamagang sugat.

Sugat (dumudugo)
Saging ( dahon)
- Magdikdik ng talbos ng saging hanggang sa lumambot at lumabas ang katas. Patakan ng katas ang sugat. Itapal ang dinikdik na dahon at lagyan ng benda. Tiyaking hindi gaanong mahigpit ang benda upang hindi maapektuhan ang normal na daloy ng dugo.
Mayana (dahon)
- Durugin at katasin ang mga dahon. Patakan ng katas ang sugat. Itapal ang dinurog na mga dahon at lagyan ng benda.
Image
muningwarrior
Image
User avatar
spacemuning
Level 9
Level 9
 
Posts: 1110
Referrals: 17
Reputation:
Joined: Wed Mar 02, 2011 12:11 am
Cash on hand: -220.00
Bank: 0.00
Location: Heaven

Return to General Chat

 


  • Related topics
    Replies
    Views
    Last post

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 1 guest