Mga Halamang Gamot H-K

Lets talk about anything under the sun.

Moderators: tabatot, daughn

Mga Halamang Gamot H-K

Postby spacemuning » Sat Mar 19, 2011 11:27 pm

Panlunas Para Sa:

Hika
Hilo
Hinimatay
Kabag
Kagat ng Ahas
Kagat ng Insekto
Kalyo
Kanser sa Bituka
Konstipasyon
Kulebra


Hika
• Luyang Dilaw
- Gilingin, tadtarin o papinuhin sa blender ang luyang dilaw. Ilagay sa malinaw o transparent na sisidlan, pantayin at buhusan ng gin kapantay lamang sa pinantay na luyang dilaw.
Ibabad ng isang araw bago pigain sa pamamagitan ng katsa o matibay na tela.
Inumin ng 1 kutsara, 3 beses maghapon hanggang gumaling ang hika. Hindi ito napapanis kaya’t itago upang magamit sa sususnod na pangangailangan.
• Talampunay (dahon)
- Gawing parang sigarilyo ang 2 dahon at hithitin tuwing 6 na oras.
• Kalachuchi (dahon)
- Pakuluan ang dahon at inumin tulad ng tsaa.
• Alagaw (dahon)
- Katasin at dikdikin ang dahon ng alagaw at inumin ang katas.
• Kulitis (dahon at bulklak)
- Magpakulo ng murang sangang may bulaklak at dahon (tinadtad) sa 5 baso ng tubig sa loob ng 10 minuto.

Ipainom:
 Sa sanggol – 2 kutsara, 4 na beses bawat araw.
 Sa bata – ½ tasa, 4 na beses bawat araw.
 Sa matanda – 1 tasa, 4 na beses bawat araw.
• Lagundi (dahon)
- Ilaga ang tinadtad na dahon sa 2 basong tubig. Pakuluan sa loob ng 15 minuto at salain bago gamitin.

Ipainom:
 Sa 2-6 taong gulang – 1 kutsara, 3 beses bawat araw.
 Sa 7-12 taong gulang – 2 kutsara, 3 beses bawat araw.
 Sa matanda – 4 na kutsara, 3 beses bawat araw.
• Sampalok (balat at puno)
- Magtadtad ng 1 tasang balat ng puno. Pakuluan ng 3 basong tubig sa loob ng 15 minuto bago gamitin.

Ipainom:
 Sa sanggol – 2 kutsarita, 4 na beses bawat araw.
 Sa bata – ½ tasa , 4 na beses bawat araw.
 Sa matanda – 1 tasa, 4 na beses bawat araw.

Hilo
• Bayabas (dahon)
- Lapirutin at ipaamoy.
• Dayap (dahon, balat ng bunga)
- Lamukusin ang balat o dahon upang lumabas ang katas. Ipaamoy sa pasyente.
• Oregano (dahon)
- Lamukusin ang dahon, ipaamoy sa pasyente.
• Dalanghita (dahon o bunga)
- Lamukusin ang sariwang dahon o balat ng bunga at ipalanghap sa pasyente.
• Suha (dahon)
- Lamukusin ang sariwang dahon o balat ng bunga at ipalanghap sa pasyente.

Hinimatay
• Atis (dahon)
- Lamukusin ang dahon upang mapalabas ang katas. Ipaamoy sa pasyente hanggang sa magkamalay.
• Herba Buena (dahon)
- Lamukusin ang dahon upang mapalabas ang katas. Ipaamoy sa pasyente hanggang sa magkamalay.
• Calamansi (balat at bunga)
- Lamukusin ang balt ng bunga. Ilapit ito sa ilong ng pasyente upang langhapin.
• Damong Maria (dahon)
- Dikdikin ang mga dahon. Itapal sa sintido ng pasyente.

Kabag
• Malabe(dahon)
- Pakuluan ang dahon ng malabe at inumin katulad ng tsaa.

Kagat ng Ahas
• Kamantigue (bulaklak)
- Dikdikin ang 10 o higit pang bulaklak ng Kamantigue, itapal sa sugat likha ng kagat ng ahas matapos itong paduguin at hugasan.

Kagat ng Insekto
• Yerba Buena (dahon)
- Dikdikin ang dahon at itapal sa kagat ng insekto.
• Oregano (dahon)
- Dikdikin ang dahon at itapal sa kagat ng insekto.

Kalyo
• Bawang
- Pagsamahin ang tig – 2 patak ng katas ng dinurog na bawang at suka na ipangbasa sa maliit na bulak.
Itapal sa kalyo sa pamamagitan ng tape o plaster.

Kanser sa Bituka
- Pamalagiang kumain ng dahon ng malunggay at saging na latundan.

Konstipasyon
• Papaya (bunga, hinog)
- Kainin tuwing umaga bago magalmusal.
• Malunggay ( dahon at bunga)
- Laging isahog sa pagluluto ng gulay upang maiwasan ang konstipasyon.
• Mangosteen (dahon)
- Pakuluan ang hiniwangmanipis na balat at inumin katulad ng tsaa.
• Kangkong (dahon)
- Maglaga ng talbos. Kumain ng 1-2 tasa sa oras ng pagkain.

Kulebra
• Saging(hilaw)
- Dikdikin ang saging na hilaw at itapal sa kulebra.
Image
muningwarrior
Image
User avatar
spacemuning
Level 9
Level 9
 
Posts: 1110
Referrals: 17
Reputation:
Joined: Wed Mar 02, 2011 12:11 am
Cash on hand: -220.00
Bank: 0.00
Location: Heaven

Re: Mga Halamang Gamot H-K

Postby Mabaet » Sun Mar 20, 2011 12:19 am

That's really awesome man! It really helped me. Thanks for this.
User avatar
Mabaet
Level 1
Level 1
 
Posts: 37
Reputation:
Joined: Thu Mar 03, 2011 6:42 pm
Cash on hand: 195.00


Return to General Chat

 


  • Related topics
    Replies
    Views
    Last post

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 1 guest