Mga Halamang Gamot D-G

Lets talk about anything under the sun.

Moderators: tabatot, daughn

Mga Halamang Gamot D-G

Postby spacemuning » Sat Mar 19, 2011 11:24 pm

Panlunas Para Sa:

Detoxifier
Diabetes
Diarrhea
Eksema
Galis o Kurikong


Detoxifier (Panilinis ng Toxin sa katawan)
• Pandan (dahon)
- Pakuluan ang dahon at inumin na katulad ng tsaa, mas marami ang inumin, mas mabuti sa katawan.
• Anis de Moras (dahon)
- Pakuluan ang dahon at inumin na katulad ng tsaa.
Diabetes
• Damong Maria
- Ilaga ang sanga at dahon ng Damong Maria at inumin na katulad ng tsaa.
• Kasoy (bunga)
- Kainin ang bunga ng kasoy ngunit huwag ang buto nito.
• Kamatsile (bunga)
-Kanin ang bunga ng kamatsile.
• Sitsirika (dahon at bulaklak)
- Pakuluan ang dahon at bulaklak at inumin katulad ng tsaa.
• Banaba (balat at dahon)
- Pakuluan ang balat ng puno at dahon, inumin katulad ng tsaa.
• Duhat (bunga)
- Kainin ang bunga kung maari ay huwag lagyan ng asin.
Inumin ang sabaw ng pinakuluang balat ng punoat dahon ngduhat katulad ng tsaa.
• Kogon (dahon at ugat)
- Pakuluan ang dahon kasama ang ugat at inumin tulad ng tsaa.
• Ampalaya (bunga)
- Hiwain ng pino ang bunga ng ampalaya at gawing ensalada na may kasamang kamatis at konting asin.
Mga Palatandaan ng Diabetes:
 Laging pagkauhaw.
 Pag-ihi ng madalas at marami.
 Di-maipaliwanag na sanhi ng pagkapagod.
 Pangangati at matagal na impeksyon sa balat.

Diarrhea
• Bayabas (talbos)
- Kumuha ng 3 pirasong talbos ng bayabas, hugasan at lagyan ng kaunting asin, nguyain at lunukin ang nadurog na talbos at inumin ang katas nito.
• Mabolo (prutas)
- Kumain ng maraming hinog na prutas nito hanggang hindi tumitigil ang pagtatae.
• Saging (latundan)
- Mas higit na epektibo kung hindi masyadong hinog ang kakainin na saging upang mas mabilis gumaling.
• Tanglad (dahon)
- Maglaga ng 10 dahon sa 2 basong tubig sa loob ng 10 minuto. Dagdagan ng 1 kutsarang asukal at 1 piraso ng maliit na luya.
Ipainom:
 Sa 1 taong gulang – 1 kutsara, 3 beses sa isang araw.
 Sa2-6 taong gulang – ¼ tasa, 3 beses sa isang araw.
 Sa 7- 12 taong gulang – ½ tasa, 3 beses sa isang araw.
 Sa matanda – 1 tasa, 3 beses sa isang araw.
Gawin ito hanggang huminto ang pagtatae.
• Kaimito (dahon)
- Magpakulo ng 1 tasang tinadtad na dahon sa 2 basong tubig sa loob ng 15 minuto.

Ipainom:
 Sa 1 taong gulang – 1 kutsara, 3 beses sa isang araw.
 Sa 2-6 taong gulang – ¼ tasa, 3 beses sa isang araw.
 Sa 7-12 taong gulang – ½ tasa, 3 beses sa isang araw.
 Sa matanda – 1 tasa, 3 beses sa isang araw.
Gawin ito hanggang huminto ang pagtatae.
• Makahiya (dahon)
- Magtadtad ng 1 tasang dahon. Pakuluan sa 2 basong tubig sa loob ng 10 minuto.

Ipainom:
 Sa 1 taong gulang – 1 kutsara, 3 beses sa isang araw.
 Sa 2-6 taong gulang – ¼ tasa, 3 beses sa isang araw.
 Sa 7-12 taong gulang – ½ tasa, 3 beses sa isang araw.
 Sa matanda – 1 tasa, 3 beses sa isang araw.
Gawin ito hanggang huminto ang pagtatae.
• Kugon
- Magtadtad ng ½ tasang sariwang ugat. Ilaga sa 2 basong tubig sa loob ng 10 minuto.

Ipainom:
 Sa 1 taong gulang – 1 kutsara, 3 beses sa isang araw.
 Sa 2-6 taong gulang – ¼ tasa, 3 beses sa isang araw.
 Sa 7-12 taong gulang – ½ tasa, 3 beses sa isang araw.
 Sa matanda – 1 tasa, 3 beses sa isang araw.
Gawin ito hanggang huminto ang pagtatae.

Eksema
• Cacao (buto)
- Ihawin ang buto at dikdikin. Itapal sa eksema pagkatapos na maibabadsa mainit na tubig (iwasang sobrang init upang huwag mapaso.)
Kapag may ekesema iwasang malagyan ng sabong panlaba ang eksema.
• Papaya (buto, hinog)
- Dikdikin at haluan ng konting Virgin Coconut Oil at ipahid sa eksema.
Galis o Kurikong
• Kakawati o Madre de Cacao (dahon)
- Dikdikin ang dahon, kunin ang katas at ipahid pagkatapos maligo at bago matulog.
• Makabuhay (sanga)
- Pakuluan ang mga sanga nito at gawing panghugas sa galis. Huwag na banlawan bayaang matuyo sa balat.
• Papaya (buto, hinog)
- Dikdikin ang buto ng papaya, lagyan ng kakaunting virgin coconut oil at ipahid sa balat na may galis.
• Malunggay (dahon)
- Dikdikin ang dahon ng malunggay at ihaplos ang katas sa balat na may galis.
• Kalatsutsi (dahon)
- Dikdikin at ilagay sa balat na may galis.
Image
muningwarrior
Image
User avatar
spacemuning
Level 9
Level 9
 
Posts: 1110
Referrals: 17
Reputation:
Joined: Wed Mar 02, 2011 12:11 am
Cash on hand: -220.00
Bank: 0.00
Location: Heaven

Return to General Chat

 


  • Related topics
    Replies
    Views
    Last post

Who is online

Users browsing this forum: imkiller109 and 1 guest