Sa Pagiging Abala

Lets talk anything about Arts and Literature.

Moderators: tabatot, daughn

Sa Pagiging Abala

Postby spacemuning » Wed Apr 06, 2011 8:51 pm

Dahil sa kanyang kalungkutan pinaligaya niya ang maraming tulad niyang may kapansanan.



The best cure for worry, melancholy, depression, brooding is to go deliberately forth and try to lift, with one’s sympathy, the gloom of somebody else.

Mabisa ang paying ito ni Arnold Bennett, isang English novelist. Anumang bigat ng problema o pangungulila o pamimighati ay tiyak na malulutas kapag kinalimutan ang sarili at tumulong sa kapwang may higit pang suliraning dala dala.

Sinabi ng ating Panginoon: HE THAT FINDETH HIS LIFE SHALL LOSE IT; AND HE THAT LOSETH HIS LIFE FOR MY SAKE SHALL FIND IT. Yaong mga tinulungan natin na tigib ng problema ay parang Siya na rin ang ating kinalinga. At sa ating pagiging abala sa kapwa, nalilimot natin ang ating sariling suliranin.

Bakit nanghihina at dumarating ang maraming sakit sa mga nagreretiro? Ang dahilan: maghapon silang walang ginagawa. (Hindi sanay an gating katawang dati ay abala na ipahingang-pahinga.) Sabi nga: Anything that is not used becomes useless.

Napakaraming magagawa bukod sa pagbabasa at panonood ng TV at betamax. Maaring umanib sa mga gawaing simbahan. Dumalaw sa mga may sakit. Sulatan ang mga kaibigan. Maghalaman. Magalaga ng mga hayop. Mag-ehersisyo. Ngunit higit sa lahat, tumulong sa mga kapuspalad. Ang pahayag ni Zoroaster: Doing good to others is not a duty. It is a joy for it increases your own health and happiness.

Sang-ayon kay Rev. John W. McKelvey isang Methodist clergy; Loneliness is 90 percent self-pity. Sila ang mga taong paladaing o walang kibo. Ang kanilang paningin sa buhay ay nakakulong at laging ginugunita ang mapapait na nakaraan.

Tatlong uri raw ang kalungkutan: likha ng sarili, likha ng mga pangyayari, at yaong bahagi ng buhay na katulad sa ibang tao. Ang pinakamalubha ay ang sariling pagmamartir. Sila ang gumagawa ng kanilang sariling multo at libingan. Ang sakit na dinaramdam ay mula sa negatibong emosyon dahil sa negatibong pagiisip.

Ang payo ni Norman Peale, isang preacher at writer: Punuin ang pagiisip ng magagandang gunita mula sa magagandang karanasan. At sa mga sandal ng kalungkutan, isa-isa itong sariwain sa isip.

Nang tanungin kung ano ang susi ng kanyang tagumpay at kaligayahan sa pagiging misyonero niya sa Africa, ito ang itinugon ni David Livingstone: I always remember what Jesus said: LO, I AM WITH YOU ALWAYS. (Matthew 28:20) Buong katapatang ginampanan ni Livingstone ang kanyang misyon: Pagtulong sa mga kaawa-awang nilikha ng Diyos. Bago siya namatay hiniling niya, at mungkahi na rin ng mga tagaroon na ilibing ang kanyang puso sa kanilang pook sa Africa. Ang kanyang katawan ay dinala sa Scotland, pook na sinilangan ni Livingstone.

Sinunod ni Frank Loope, taga-Washington, USA, isang lumpo, ang payo ni Dr. Alfred Adler na ganito ang pagakaksabi: YOU CAN BE CURED OF YOUR LONELINESS IF YOU FOLLOW THIS FOR 14 DAYS: TRY TO THINK EVERYDAY HOW YOU CAN PLEASE SOMEONE.
Hindi lamang 14 na araw ginawa ito ni Loope kundi habang buhay. Sinulatan niya ang mga kawa-awang katulad niya.

Kahit kalian, hindi maaring maging malungkot o maghimutok ang isang tao kung marunong siyang lumimot sa sariling kalagayan at marunong umunawa sa higit pang mga kapus-palad.

Narito ang magandang payo ni Nicholai Velimirroboc: BY USING OUR HANDS WE BECOME STRONG; BY USING OUR MINDS, WISE; BUT BY USING OUR HEARTS. MERCIFUL.

-Lakbay-Diwa
Ni
Bella Angeles Abangan 1986
Image
muningwarrior
Image
User avatar
spacemuning
Level 9
Level 9
 
Posts: 1110
Referrals: 17
Reputation:
Joined: Wed Mar 02, 2011 12:11 am
Cash on hand: -220.00
Bank: 0.00
Location: Heaven

Return to Arts and Literature

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 1 guest

cron