FOCUS. Ang tao ngayon ay kulang sa focus.
Doing three things, all at the same time, with no focus at all.
Kumakain, nanonood ng telebisyonat nagbabasa. Walang focus.
Nagte-text habang nagda-drive, at naghahanda ng toll fee para sa NLEX. Walang focus.
Nagsesepilyo, habang nakikipag-usap sa telepono, at nakukuha pang sumulyap sulyap sa TV. Walang focus.
Kaya pagdating sa pag-aaral, wala ring focus. Nagsimula sa engineering, nag shift sa accounting, nauwi sa nursing. Sa bandang huli, bumagsak sa hairstyling.
Pati sa lovelife, wala ring focus: May kasintahan sa UST, may idini-date sa FEU, may nililigawan sa CEU at may sinusundo sa AMA.
Ang camera, kapag wala sa focus, Malabo ang picture. Ganon din ang buhay, kapag out of focus… Malabo, magulo ang buhay.
Alam n’yo ba kung bakit noong una ay nakalakad si Pedro sa ibabaw ng tubig? Kasi naka-focus ang tingin nya sa Panginoon. Subalit, nang tanggalin n’ya ang pagkakafocus ka Jesus, napansin n’ya ang hangin, napansin n’ya ang alon, siya’y natakot at lumubog.
Sa ating buhay, hindi pwedeng walang focus. At ang pinakamahalagang focus na dapat nating gawin ay ang i-focus an gating buhay sa Panginoon.
Matthew 14:22-33
Homily
Baliuag, Bulacan
18 November 2005
Fr. Ariel F. Robles













==--
