Insecurities

Lets talk anything about Arts and Literature.

Moderators: tabatot, daughn

Insecurities

Postby spacemuning » Wed Apr 06, 2011 9:06 pm

Insecurities. Lahat tayo ay mayroon nito. Walang exempted ditto. Ang sabi nga ng isang kilalang psychologis, lahat tayo ay mayroong isang malaking bulsa na ang laman ay mga insecurities na nagmula pa sa pagkabata at dala-dala hanggang sa pagtanda.

Normal lang naman daw ito. Subalit kapag sobrang dami na ng insecurities na laman ng nasabing bulsa, hindi na normal iyon. Aapaw ito, lalabas sa bulsa at magma-manifest sa kanyang ugali. Magiging mainggitin, sobrang maramdamin at magagalitin. O kaya naman ay magiging mayabang, maingay o mapride. Yung iba naman ay nagiging sobrang istrikto, seloso, possessive-possesive sa gamit, possessive sa kaibigan. Minsan naman, yung iba ay nagiging sobrang mahiyain, at mas malala roon… self pity, na nauuwi minsan sa pagpapakamatay.

Kailangang magamot ang insecurities. Kung hindi, makasisira ito sa kanyang buhay. Makasisira ito sa kanyang mga relationships, sa asawa, sa anak, sa magulang, sa kaibigan, at pati na sa sarili.

Paano ba ito magagamot? Paano ba natin ito ginagamot?
Madalas hindi naman natin ito ginagamot, tinatakpan lang.

Tinatakpan ng alahas—pati sa binti may alahas, at tatlo-tatlo naman ang hikaw sa tenga, kulang na lang maglagay ng singsing sa ilong.

Tinatakpan ng mamahalin at signature clothes—Lacoste ang t-shirt, Lacoste ang pantaloon, Lacoste ang sapatos, Lacoste ang bag, Lacoste ang relo, Lacoste ang sombrero, Lacoste ang pabango at pati ugali Lacoste na din.

Yung iba, dinadaan sa pagpapalaki ng katawan na parang si Arnold Schwazennegger. Ang mga babae naman ay nagpapa sexy. Magsusuot ng maiiksi. Maiksing blouse, maiksing palda, kahit ang bilbil ay naghe-hello, at ang varicose veins ay nagso-show.

Pati nga pagaaral, minsan panakip din sa insecurities. Double M.A…Triple doctorate. Aral nang aral. Perennial student. Perenially insecure.

Iba’t iba tayo ng panakip sa insecurities. Subalit ang tanong: nagagamot ba? Hindi. Tinatakpan lang talaga. At kapag tinanggal na ang takip, kapag tinanggal na ang alahas at hinubad na ang Lacoste, insecure pa rin.
Kailangan talagang gamutin. At isa lang ang gamut: ACCEPTANCE. OIto lang ang makakapagpapagaling sa mga sugat n gating insecurities. PAGTANGGAP at PAGMAMAHAL. Nino?
Tatlo yan:

1.) KAPWA. Mas mapadadali ang paggaling ng isang taong insecure kung makadarama siya ng pagtanggap at pagmamahal ng kapwa sa kabila ng kanyang mga kapintasan. Sa pamilya ninyo, sino ang pinakamaraming insecurities? Tulungan mo siyang gumaling. Ipadama mong tanggap mo siya, at bigyan mo siya ng mas malaking pagmamahal.

2.) DIYOS. Minsan, madamot sa pagmamahal an gating kapwa. Madamot sa pagmamahal an gating pamilya. Sarili mong magulang, hindi ka matanggap. Sarili mong kapatid, hindi ka maunawaan. But don’t lose hope. You can still be healed. Kung ayaw kang tanggapin at mahalin ng kapwa mo, always remember that Jesus loves you, and accepts you for whatever you are. Recognize and accept that love you’ll surely be healed.

3.) SARILI. Learning to love oneself is the greatest love of all.” Ito ang sabi ng isang awit, at ito’y totoo. Sapagkat ang pagmamahal sa sarili ang foundation ng iba pang pagmamahal na gagawin mo. You cannot love others if you have not loved yourself first, Nor can you accept others if you have not accepted yourself first.

Tanggapin mo ang sarili mo. Tanggapin mong hindi ka mayaman, tanggapin mong hindi ka ipinanganak na matalino, tanggapin mong hindi ka maganda, tanggapin mong maitim ka talaga, at pango pa. Tanggapin at mahalin ang sarili mo. Tanggapin mo kung ano ka, at gagaling ang insecurity mo.

Mahalin ka man nang mahalin ng Diyos, tanggapin ka man nang tanggapin ng kapwa mo, kung hindi mo naman tanggap at mahal ang sarili mo, makakamatayan mo nang isa kang insecure.

-Fr. Ariel F. Robles
Image
muningwarrior
Image
User avatar
spacemuning
Level 9
Level 9
 
Posts: 1110
Referrals: 17
Reputation:
Joined: Wed Mar 02, 2011 12:11 am
Cash on hand: -220.00
Bank: 0.00
Location: Heaven

Re: Insecurities

Postby tornadoxXx » Wed Apr 06, 2011 9:17 pm

muning galing eheh alala ko tuloy gf ko hehe
I want to know all of your thoughts in life and explore it
User avatar
tornadoxXx
Level 4
Level 4
 
Posts: 213
Reputation:
Joined: Sat Feb 12, 2011 2:54 pm
Cash on hand: 1,105.00

Re: Insecurities

Postby spacemuning » Wed Apr 06, 2011 9:25 pm

Bakit mo naalala dito?
Image
muningwarrior
Image
User avatar
spacemuning
Level 9
Level 9
 
Posts: 1110
Referrals: 17
Reputation:
Joined: Wed Mar 02, 2011 12:11 am
Cash on hand: -220.00
Bank: 0.00
Location: Heaven

Re: Insecurities

Postby tornadoxXx » Wed Apr 06, 2011 9:29 pm

marming insecurities din kasi un hehe
I want to know all of your thoughts in life and explore it
User avatar
tornadoxXx
Level 4
Level 4
 
Posts: 213
Reputation:
Joined: Sat Feb 12, 2011 2:54 pm
Cash on hand: 1,105.00

Re: Insecurities

Postby spacemuning » Thu Apr 07, 2011 2:32 pm

Bakit ikaw wala?
Image
muningwarrior
Image
User avatar
spacemuning
Level 9
Level 9
 
Posts: 1110
Referrals: 17
Reputation:
Joined: Wed Mar 02, 2011 12:11 am
Cash on hand: -220.00
Bank: 0.00
Location: Heaven

Re: Insecurities

Postby PridePH » Thu Apr 07, 2011 5:25 pm

"inggit at galit " <<-- yan hahaha...dapat marunong makipagkapwa tao..(values) hahah
Image
Image
Dont forget to say Thanks & Thumbs Up

PM me for Dead Links

Gamitin po muna ang Search bago mag post ng thread
User avatar
PridePH
Elite Member
Elite Member
 
Posts: 2951
Reputation:
Joined: Tue Mar 01, 2011 11:20 am
Cash on hand: 2,880.00
Bank: 103,325.00
Location: Unknown :D
Medals: 1
Elite Member Award (1)

Re: Insecurities

Postby tornadoxXx » Thu Apr 07, 2011 8:30 pm

aminin ko muning meron ako marami pero hindi ako ganun ka insecure kuntento na ako sa meron ako
I want to know all of your thoughts in life and explore it
User avatar
tornadoxXx
Level 4
Level 4
 
Posts: 213
Reputation:
Joined: Sat Feb 12, 2011 2:54 pm
Cash on hand: 1,105.00

Re: Insecurities

Postby spacemuning » Thu Apr 07, 2011 9:25 pm

Dapat lang makuntento sa kung anong meron, at yung mga bagay na wala sa atin pagsikapan naten :D
Image
muningwarrior
Image
User avatar
spacemuning
Level 9
Level 9
 
Posts: 1110
Referrals: 17
Reputation:
Joined: Wed Mar 02, 2011 12:11 am
Cash on hand: -220.00
Bank: 0.00
Location: Heaven

Re: Insecurities

Postby tornadoxXx » Fri Apr 08, 2011 11:41 am

hehe ganun naman rules ng simpleng katulad ko hehe
I want to know all of your thoughts in life and explore it
User avatar
tornadoxXx
Level 4
Level 4
 
Posts: 213
Reputation:
Joined: Sat Feb 12, 2011 2:54 pm
Cash on hand: 1,105.00

Re: Insecurities

Postby WebStone » Sat Apr 09, 2011 4:20 am

spacemuning wrote:Yung iba, dinadaan sa pagpapalaki ng katawan na parang si Arnold Schwazennegger. Ang mga babae naman ay nagpapa sexy. Magsusuot ng maiiksi. Maiksing blouse, maiksing palda, kahit ang bilbil ay naghe-hello, at ang varicose veins ay nagso-show.


Medyo tinamaan ata ako dito ah... bahala na, trip ko parin magpalaki ng katawan... hehehe
Image
TPF Support: Forum Rules | Signature Rules | Posting Rules
Web Services: Desktop and Web Development
Do not message me for support, instead share the question in our forums.
User avatar
WebStone
Moderator
Moderator
 
Posts: 361
Reputation:
Joined: Sat Mar 26, 2011 1:01 pm
Cash on hand: 200.00
Bank: 11,260.00
Location: public_html
Medals: 1
Moderator Award (1)

Next

Return to Arts and Literature

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 1 guest